Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

Explainer: Anong pwedeng gawin ng unconsolidated PUV drivers, operators? | Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Libu-libong tsuper at operator ng tradisyunal na jeepney at UV Express ang hindi pa rin konsolidado sa ilalim ng PUV Modernization Program — pero ang tanong, anong option pa ba ang nalalabi para sa kanila bukod sa mawalan ng trabaho?

Hanggang ika-31 ng Enero na lang kasi papayagang pumasada sa piling kalsada ang unconsolidated na public utility vehicles (PUVs) matapos ang December 2023 deadline na ibinigay ng gobyerno. 

Layunin ng PUVMP na itransisyon at i-phase out ang mga lumang jeep at UV Express patungong modernong e-jeeps/minibuses matapos ang December 31 consolidation deadline. "Eco-friendly" man, pwede itong umabot ng milyun-milyon kada isa.

Tanging 76% (145,721 units) lang ang matagumpay na nakapagkonsolida bago mag-2024. Ngunit paano na ang mangyayari sa nalalabing 24% (46,017 units)?

Pinangangambahan ngayong mawalan ng trabaho ang libu-libong drayer bunsod nito. Pero ayon sa gobyerno, pwede pa ring i-absorb ng mga kooperatibang nakahabol sa konsolidasyon ang mga naturang tsuper.

"Sila po ay pwedeng lumipat sa mga kooperatiba or korporasyon para ituloy ang kanilang hanap-buhay," ani Office of Transportation Cooperatives (OTC) chairperson Andy Ortega 

"'Yun po ang ating objective sa OTC: kailangan pong bigyan sila ng trabaho para matulungan natin sila para sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan."

Pero hindi 'yan madali para sa ilang jeepney drivers. Sa ulat na ito ng GMA News, ilang tsuper na ang sumubok pumalahok sa mga kooperatiba ngunit tinanggihan.

Sa ilalim ng PUVMP, kakailanganing isuko ng mga indibidwal na operator ang kanilang mga prangkisa kapalit ng pagkokonsolida sa loob ng mga kooperatiba o korporasyon.

At para sa mga bigong pumaloob sa programa, may nakahandang tulong daw ang gobyerno. Hindi na kasi sila maaaaring makapag-operate pa matapos ang Enero.

"Iba-iba po ang rason [ng mga hindi nagkonsolida]. Sa dulo po nagdesisyon sila at nirerespeto namin ang desisyon ng mga operators," dagdag ni Ortega.

"For all operators na hindi po sumama sa programa, mayroon pong tulong na ibibigay ang [Department of Social Welfare and Development]. At dito naman po sa PUVMP, meron pong programa through TESDA and [Department of

Read more on philstar.com