UAAP Players of the Week: Amos ng Ateneo, Pastrana ng UST | Pilipino Star Ngayon
MANILA, Philippine – Nagpakita ng tikas ang Ateneo Blue Eagles at University of Santo Tomas Tigresses sa pagtatapos ng unang round ng UAAP Season 86 basketball tournament matapos walisin ang kani-kanilang huling dalawang laro nitong nakaraang linggo sa pamamayani nina Mason Amos at Kent Pastrana.