Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

'Gawa-gawa': Beijing itinangging nilason ng cyanide ang West Philippine Sea | Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bumwelta ang Ministry of Foreign Affairs ng Beijing at kanilang embahada matapos paratangan ng gobyerno ng Pilipinas sa paggamit ng mapanganib na lason sa Bajo de Masinloc (kilala rin bilang Panatag o Scarborough Shoal).

Sabado nang ibulgar ni Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) spokesperson Nazario Briguera ang "sadyang pagsira" ng mga mangingisdang Tsino sa Bajo de Masinloc para pigilan ang pagpasok dito ng Filipino fishermen. Aniya, cyanide ang gamit ng mga dayuhan.

"Gawa-gawa lang ang paratang na ito. Tsina ang may hindi maitatangging soberanya sa Huangyan Dao at mga kalapit nitong Tubig," ani Chinese Foreign Affairs spokesperson Mao Ning sa isang pahayag sa Inggles nitong Lunes.

"Pinapahalagahan ng gobyerno ng Tsina ang pagtatangol sa kalikasan at pangangalaga sa pinagkukunan ng isda at lumalaban sa anumang uri ng pangingisdang labag sa batas at regulasyon."

pic.twitter.com/THyHMr42UY

Sinasabi ito ng Mao Ning kahit na nasa loob ng exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas ang Bajo de Masinloc. Ang naturang katubigan ay sakop ng West Philippine Sea.

Taong 2016 pa nang ibalewala ng Permanent Court of Arbitration ang pag-angkin ng Beijing sa West Philippine Sea. Sa kabila nito, patuloy ang naturang bansa pag-iikot at pagkontrol sa ilang features sa loob nito.

Dahil dito, "Huangyan Dao" ang ipinangalan ng mga Tsino sa Bajo de Masinloc.

Tinawag namang "disinformation" ng Embahada ng Tsina sa Maynila ang alegasyon ng BFAR, bagay na magpapalala lang daw ng tensyon at kaguluhan sa ugnayan ng dalawang bansa. 

"Ang mga haka-hakang walang batayan, paninira at pabago-bagong pahayag ng mga tagapagsalita ng mga nabanggit na ahensya ng Pilipinas ay maglalagay lang ng duda sa kanilang kredibilidad," dagdag pa ng embahada.

"Hinihikayat namin ang mga naturang ahensya ng Pilipinas na seryosohin ang usaping pandagat, at harapin ang mga Tsino sa pangangalaga sa bilateral relations pati na sa kapayapaan sa South China Sea."

pic.twitter.com/V0cx8YV4vT

Bagama't una nang sinabi ng BFAR na sadyang sinisira ng mga dayuhan ang Panatag, matatandaang binanggit ng Philippine Coast Guard na "wala pang sapat na ebidensyang" ginagamitan ito ng

Read more on philstar.com