Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

Gilas Boys tiklop sa Puerto Rico | Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kumain ng alikabok ng Gilas Pilipinas Boys kontra sa Puerto Rico, 53-98, at matatapat sa mas malupit na USA sa 2024 FIBA U17 World Cup sa Sinan Erdem Dome sa Istanbul, Turkey.

Ang 45-point loss sa World No. 15 Puerto Rico ang ikatlong sunod na tambak ng Gilas Boys matapos tumaob sa World No. 7 Lithuania, 48-107, at World No. 2 Spain, 34-96, para sa 0-3 marka sa Group A.

Dahil sa kulelat na puwesto ay makakaharap nga­yon ng Gilas Boys ang USA na namuno sa Group B matapos ang 3-0 kartada.

Mas mahirap na kala­ban ang USA bilang reig­ning world champions at No. 1 team sa buong mundo.

Binugbog ng USA ang France, 104-81, Guinea, 124-49, at China, 146-62, kaya inaasahang ganito rin ang posibleng malasap ng Gilas Boys.

Sa kabalintunaan ay uminda ng 55.3-point lo­sing margin average ang Gilas Boys para maging heavy underdog sa duwelo na siyang daan patungo sa quarterfinals ng world youth championships.

Ang Team USA din ang nagwagi ng lahat ng anim na edisyon ng World Cup.

Ranggong ika-25 sa mundo, nakapasok ulit sa World Cup ang Gilas Boys matapos ang semifinal finish sa FIBA U16 Asia Cup sa pangunguna ni Kieffer Alas na napasama pa sa All-Star Five.

Subalit hindi siya naka­kalaro ngayon dahil sa na­tamong knee injury isang araw bago ang torneo na la­long nagpaliit sa tsansa ng Nationals sa kanilang pagbabalik sa World Cup simula no­ong 2019.

Read more on philstar.com