Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

Ipis namataan din sa NAIA | Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nakatakdang pulungin ng Manila International Airport Authority (MIAA) ngayong Lunes, ang airport housekeeping, exterminators, at iba pang service providers sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), kasunod na rin ng natuklasang problema sa mga peste sa paliparan.

Kasama rin umano sa pulong ang mga medical at quarantine staff ng airport.

Nabatid na kaagad na ipinatawag ng MIAA ang pest control matapos ang sunud-sunod na pagkakita ng iba’t ibang uri ng mga peste sa paliparan kamakailan, kabilang na rito ang mga surot at daga at ang pinakahuli ay ipis.

Aminado ang MIAA na hindi katanggap-tanggap ang mga ganitong insidente sa pangunahing paliparan ng bansa.

Tiniyak naman ng MIAA na bukod sa kautusang magsagawa ng disinfections sa paliparan, rerebyuhin din nila ang mga kontrata ng housekeeping at pest control service providers ng airport.

“Kung ano pa mang peste yan— ipis, surot, rodent, anay, ang expectation siyempre, ng airport, inengage namin ang services nila as experts on that field of extermination, then we should have an expectation na wala pong ganitong mga pest or rodents sa ating airport,” giit ni MIAA Head Executive Assistant Chris Bendijo.

Nauna rito, matatandaang may mga pasaherong nagreklamo na pinagkakagat ng surot habang nasa paliparan.

May isang video rin na nag-viral kung saan makikita ang isang daga habang namamasyal sa kisame ng airport habang ang pinakahuling insidente naman ay ang pagkakita ng isang ipis na gumagapang sa isa sa mga upuan sa departure area ng NAIA Terminal 3.

Kaugnay nito, tiniyak naman ng MIAA na doble-kayod na sila upang paghusayin pa ang operasyon ng NAIA.

“Whether it’s still our time, before the privatization, until privatization and even after we act as regulators, our only hope is to improve our airport. Wala naman po kaming ibang hangad dito,” ani Bendijo.

Read more on philstar.com