Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

‘Kabayan’ nanghina pagtama sa lupa | Pang-Masa

MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAG­ASA) na humina na ang bagyong Kabayan na isa na lamang tropical depression matapos itong mag-landfall sa Brgy. Concepcion, Manay, Davao Oriental.

Batay sa 11 a.m. cyclone update na ipinalabas ng SDT, si Kabayan na ang international name ay Jelawat ay nag-landfall ganap na alas-9:30 ng umaga  sa nasabing lugar. Sa kasalukuyan ay nakataas ang Signal No. 1 sa Puerto Princesa City, Palawan.

Ang tropical depre­ssion ay nanatili pa sa bisinidad ng Caraga, Davao Oriental. Taglay nito ang lakas ng hangin na nasa 55 kilometro kada oras at may bugso ng hangin na nasa 90 kph.

Nakataas ang Signal No. 1 sa Southern Leyte, Leyte, katimugang bahagi ng  Samar, timog na bahagi ng Eastern Samar, Cebu kabilang ang Camotes Islands, Bantayan Islands, Bohol, Siquijor, Negros Oriental, Negros Occidental at ang lalawigan ng Guimaras.

Sa rehiyon ng Minda­nao ay Signal No. 1 rin sa Misamis Oriental, Camiguin, Bukidnon, Davao de Oro, hilagang bahagi ng Davao Oriental, Misamis Occidental, Lanao del Norte, Lanao del Sur, Davao del Norte, Davao City, hila­gang bahagi ng Cotabato, hilagang bahagi ng Maguindanao, kanluran at baha­ging sentral ng  Zamboanga del Norte, hilaga at sentral na bahagi ng Zamboanga del Sur, Zamboanga Sibugay, Dinagat Islands, Surigao del Norte,  Agusan del Norte, Surigao del Sur at Agusan del Sur.

Ayon sa PAGASA matapos ang landfall, ina­asahang tatahak naman si Kabayan sa bulubun­duking bahagi ng Minda­nao bago ito tumungo sa Sulu Sea.

Read more on philstar.com