Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

Magsuot ng face mask sa Simbang Gabi sa mga Katoliko | Pang-Masa

MANILA, Philippines — Upang makaiwas sa pagkakahawa ng COVID-19 matapos ang pagtaas muli ng kaso nito, hinikayat ng Simbahang Katolika ang milyun-milyong Kristiyano na dadalo sa tradisyunal na Simbang Gabi na boluntaryong magsuot ng face mask.

Sa circular na inilabas nitong Dis­yembre 15, sinabi ni Cardinal Jose Advincula na ito ay ayon sa rekomendasyon ng Ministry of Health Care ng arkidiyoseses.

Sa kabila nito, hindi umano dapat matanggalan ng kasiyahan ng Pasko ang publiko na kailangan lamang sumunod sa mga health and safety protocols para mas mabisang makapagselebra ng Pasko.

Pinaalalahanan din ng Simbahan ang mga may sakit na huwag nang makihalo sa ibang tao at manatili na lamang sa bahay para magpagaling.

Dumagsa kahapon, (Disyembre 16) ang milyong Katoliko sa mga simbahan sa opisyal na pag-uumpisa ng Simbang Gabi at ito ay magtatapos ng Disyembre 24.

Tiniyak ni Advincula na ang mga susunod na araw ay kakikitaan ng mas masaya kasabay ng puno ng pananampalataya na antisipasyon sa Pasko.

Read more on philstar.com