Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

Kyla nagdalamhati matapos makunan nang ika-5 beses | Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Malungkot na ibinalita ng singer na si Kyla ang muling pagkamatay ng ipinagbubuntis na anak, bagay na itinuturing niyang pinakamahirap na pinagdaanan sa buhay.

Ikwinento ito ng mang-aawit at asawang si Rich Alvarez sa isang episode ng "Magandang Buhay," Miyerkules, habang ibinabahagi kung gaano kahirap mabigyan ng kapatid ang anak na si Toby.

"We've been struggling for years and years and years. It's been really hard, especially very recent lang 'yung amin eh," saad ni Kyla. 

"Just before Christmas, I suffered another one [miscarriage]. 'Yun 'yung biggest challenge."

Hunyo 2022 lang nang ibahagi ng "Queen of R&B" ang pang-apat niyang miscarriage, na naging mahirap sa kanila ng mister lalo na't isinisikreto pa nila noon ang pagbubuntis. 

"But I am grateful and thankful kasi at least nabigyan kami ng isa. And kung madadagdagan pa, bonus na lang 'yun," dagdag pa ng singer.

Taong 2011 pa nang makasal si Kyla, Melanie Hernandez Calumpad sa totoong buhay, sa dating PBA player na si Rich.

Ayon naman sa kanyang asawa, pinakamalaking hamon sa ngayon ang pagpapalaki kay Toby sa araw-araw — bukod pa sa pag-intindi sa asawa.

Matatandaang sumikat siya nang husto matapos ilabas ang single na "Hanggang Ngayon," na siyang nanalo ng International Viewer's Choice Award for Southeast Asia sa 2001 MTV Video Music Award.

Read more on philstar.com