Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

Libu-libo sinugod Bangko Sentral para iuwi 'tagong kayamanan'; BSP bumwelta | Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dumagsa ang sangkaterbang tao sa harap ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa pag-asang makukubra na nila ang mahigit "P100 trilyong kayamanan ng Pilipinas." Pero paglilinaw ng BSP, hindi naman sila nagbibigay ng pera.

Miyerkules kasi nng dayuhin ng libu-libong tao sa pangunguna ni Gilbert Langres, founder ng Democratic and Republican Guardians Philippines Inc., ang tanggapan ng BSP. Aniya, ngayon raw kasi ito ipapamahagi.

"Konting panahon na lang ay lalaya na ang sambayanang Pilipino sa kahirapan... Sa panahon ni [Pangulong Ferdinand 'Bongbong' Marcos Jr.], kinakailangan ilabas na ang kayamanang nakatago sa Bangko Sentral na ang tagapagmana ay sambayanang Pilipino," ani Langres sa panayam ng dzRH.

"Ang initial natin dito, para mai-claim na ng taumbayan ang nakatagong kayamanan na narito sa Bangko Sentral ng Republika ng Pilipinas... Fully matured na ang kayamanan. Kaya sa panahon ni PBBM, kailangan na mailabas na ito."

Tinawag ng grupong "Claimant Holder Taker Celebration Day" ang ika-8 ng Mayo para makuha aniya ang naturang halaga.

Nahikayat pumila sa labas ng BSP ang ilang residente ng Pangasinan, Antipolo, Southern Luzon, atbp. lugar. Marami sa mga nabanggit ay may edad na.

"Ito'y representation hindi sa samahan ng Democratic nd Republican Guardians... kundi ito ay representasyon mula Luzon, Visayas at Mindanao bilang mamamayang Pilipinong tagapagmana ng kayamanang nakatago rito partikularmente sa [BSP]," dagdag ni Langres.

"Ang initial na pondong ating ipinaglalaban since 2016 pa na nandito pa kami ay more than P100 trillion printed with a back up of gold."

Bagama't nagpakita ang grupo ng dokumentong "nagpapatunay" aniya sa naturang kayamanan, hindi nila madiretso sa mga mamamahayag kung saan ito nagmula.

Inilinaw naman ng BSP sa panayam ng Philstar.com ngayong araw na hindi bahagi ng kanilang trabaho ang pamumudmod ng pera sa mga indibidwal.

Wika ng central bank, nakikipagtulungan ang kanilang tanggapan sa gobyerno para "magpalago ng ekonomiya, mapanatiling matatag ang presyo ng mga bilihin at lumikha ng mga hanapbuhay."

"Nais linawin ng BSP na hindi ito direktang nagbabahagi ng salapi sa taumbayan," sabi ng BSP ngayong araw.

"Sa

Read more on philstar.com