LPA, isa nang bagyong Jenny | Pilipino Star Ngayon
MANILA, Philippines — Isa nang bagyo na tinawag na “Jenny” ang low pressure area (LPA) na namataan sa silangan ng Central Luzon.
Ayon sa PAGASA, ang sentro ni Jenny ay namataan sa layong 1,400 kilometro silangan ng Southeastern Luzon taglay ang lakas ng hangin na umaabot sa 45 kilometer per hour at pagbugso na aabot sa 55 kph.
Ang bagyo ay hindi umano direktahang nakakaapekto sa bansa pero magdudulot ito ng malalakas na pag-ulan sa buong Batanes at Babuyan Islands sa susunod na limang araw.
Palalakasin ni Jenny ang habagat simula sa araw ng Linggo na magdudulot ng paminsan-minsang pag-ulan sa buong western portions ng Central at Southern Luzon.
Inaasahan na maaabot ng bagyo ang tropical storm category ngayong Sabado ng hapon at lalakas sa darating na Miyerkules habang nasa Batanes area.