Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

May second chance pa ang puso mo! | Pilipino Star Ngayon

Isa sa mga naging epekto ng pandemya ay ang pagiging maingat natin pagdating sa ating kalusugan. Marami akong kaibigang sineryoso ang kanilang pagdi-diyeta at ehersisyo, at binawasan na rin ang bisyo.

Habang tumatanda tayo, nagiging mas mahalaga ang ganitong pagtutok sa ating kalusugan. Tulad ng alam natin, kapag tumatanda, tumataas din ang tsansa na magkasakit, lalo na pagdating sa cardiovascular diseases (CVD) o sakit sa puso.  Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), nangunguna ang sakit na ito sa mga sanhi ng pagkamatay ng mga Pilipino.

Ito ang naging paksa sa roundtable series na pinamagatang, Unblocked Movement – Inspiring Conversations on Heart Health: Turning Second Chances to Lifelong Victories. Proyekto ito ng Novartis Healthcare Philippines, katuwang ang Swiss Chamber of Commerce (SwissCham) at ang Cardinal Santos Medical Center (CSMC).

Nagkaroon tayo muli ng pagkakataong makasama ang mga natatanging lider at stakeholder pagdating sa sektor ng kalusugan sa Pilipinas nang maimimbitahan tayo bilang moderator ng Unblocked Movement.

Ang layunin ng forum na ito, ayon sa Novartis, ay ang mas mabilis na pagsulong ng mahahalagang impormasyon ukol sa sakit sa puso. Ito ay upang ang bawat pasyente ay mabigyan ng “second chance” sa buhay.

Para kay Mr. Raul Pagdanganan, ang presidente at CEO ng CSMC, at isa sa mga pinakamalapit kong kaibigan, personal sa kanya ang isyung ito. Ikinuwento niya sa amin na ilang buwan na ang nakalilipas nang matuklasan ng kanyang doktor na may namumuong pagbara sa mga ugat ng kanyang puso.

Ngunit salamat sa mga makabagong teknolohiya sa medisina, kung ano ang dating mahirap at matagal na pagpapagaling “ay naging simpleng proseso na lamang,”   Sabi ni Raul, “Sa mga pagbabago sa medical technology, ang mga sakit na halos imposible pagalingin ay manageable na, at naghahatid ng second chance sa ating lahat.”

Nakatutok ang Unblocked Movement sa information campaign tungkol sa LDL-c,  o mas kilala bilang “bad cholesterol.”   Hangad nito na palalimin pa ang kaalaman natin sa pagsugpo sa mga CVD, kung saan nangunguna ang atherosclerotic cardiovascular diseases (ASCVD) bilang sanhi.

“Kasabay ng ating Unblocked Movement, ikinalulugod ng

Read more on philstar.com