Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

‘Must win’ ang Gilas laban sa Georgia | Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ilalabas na ng Gilas Pilipinas ang lahat ng alas nito upang makuha ang importanteng panalo laban sa Georgia sa pagpapatuloy ng FIBA Olympic Qualifying Tournament sa Riga, Latvia.

Nakatakdang magharap ang Gilas Pilipinas at Georgia ngayong alas-8:30 ng gabi (oras sa Maynila) kung saan ang mananalo ang inaasang papasok sa susunod na round ng torneo.

Personal na nasaksihan ng mga Pinoy cagers kung paano ginulpi ng Latvia ang Georgia sa opening day kung saan naitala ng host team ang 83-55 demolisyon.

Magandang pagkakataon ito upang personal na ma-scout ng Gilas Pilipinas ang kanilang makakalaban lalo pa’t nasa must-win situation ito laban sa Georgia.

Babanderahan ang Georgia ni San Antonio Spurs big man Aleksander Mamukelashvili na bukod-tanging player ng kanilang tropa na nagtala ng double digits.

Umiskor ito ng 14 puntos, habang nagkasya lamang si Orlando Magic player Goga Bitadze sa pitong puntos at anim na boards.

Doble ingat ang gagawin ng Gilas Pilipinas dahil gigil ang Georgia na makaresbak at makuha ang Nol 2 spot sa Group A na magdadala sa kanila sa crossover semis.

Subalit hindi naman basta-basta susuko ang Gilas Pilipinas.

Dala ang ‘puso’ matra, inaasahang ibubuhos na ng Pinoy squad ang buong lakas nito para makuha ang napakahalagang panalo.

Aariba para sa Gilas Pilipinas sina Dwight Ramos, Chris Newsome at CJ Perez na magsisilbing point-guard ng 11-man Gilas Pilipinas squad.

Hahataw din si naturalized player Justin Brownlee kasama sina seven-time PBA MVP June Mar Fajardo, 7-foot-2 Kai Sotto at 6’8 Japeth Aguilar.

Ilang oras lamang ang pahinga ng Gilas Pilipinas matapos itong humarap sa Latvia sa alas-12 ng hatingggabi.

Kailangan ng Gilas Pilipinas ng solidong depensa at matinding shooting upang makapalag sa Georgia.

Read more on philstar.com