Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

'Nanginig talaga ako': Cebuana housewife inuwi milyun-milyon sa lotto | Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Matagumpay na kinubra ng isang maybahay mula Cebu City ang milyun-milyong papremyo matapos tamaan ang P30.05 milyong jackpot sa MegaLotto 6/45 — bagay na paghahatian niya kasama ang isa pang winner mula Mindanao.

Ayon sa paskil ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ngayong Martes sa Facebook, ika-9 ng Nobyembre pa nang i-claim ng babae ang kalahati ng total jackpot.

"Speechless at nanginginig talaga ako," wika ng lucky winner.

"At first hindi ako makapaniwala until I came here at naiabot na sa akin yung tseke ko dun ko lang naramdaman na totoo ngang nanalo ako."

Sinasabing nakuha ng babae ang jackpot combination na 04 - 34 - 02 - 28 - 42 - 20 sa pamamagitan ng lucky pick (LP) matapos ang 10 taong pagtaya sa lotto.

Pinaplano ng bagong milyunaryang gamiting puhunan ang naturang winnings sa kanilang maliit na negosyo sa Cebu, pati na sa pag-aaral ng kanyang anak na babae.

Nagpasalamat naman ang babae sa PCSO lalo na't magandang Christmas gift daw ito.

"Thank you PCSO, kayo po ang naging daan para sa aking mga pangarap. Tiyak masaya ang pasko namin ng pamilya ko," banggit niya.

"Iingatan ko po itong mabuti para sa kinabukasan ng aking pamilya. Marami pa po sana kayong matulungan. God bless, PCSO!"

Ang lotto jackpot prize ay maaari lang ma-claim sa PCSO main office sa Shaw Boulevard, Mandaluyong City. Kinakailangang magpresenta ng dalawang valid government IDs ang mga nagke-claim ng premyo.

Awtomatikong inaawas ang 20% tax mula sa mga papremyong lalagpas ng P10,000 ang halaga sa iulalim ng Tax Reform Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.

Alinsunod sa Republic Act 1166, mananatiling valid ang mga lotto ticket isang taon matapos itong ibola. Hindi na make-claim ang mga papremyo matapos ang panahong ito.

Read more on philstar.com