Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

NFA rice distribution iginiit para sa mga magsasakang apektado ng El Niño | Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Suportado ng ilang progresibong grupo ang pamamahagi ng bigas mula sa National Food Administration (NFA) bilang ayuda sa mga magsasaka't mangingisdang apektado ng El Niño — bagay na nagdulot na ng P1.23 bilyong halagang pinsala.

Ito ang panawagan sa ngayon ng grupong AMIHAN - National Federation of Peasant Women, Bantay Bigas at National Network of Agrarian Reform Advocates-Youth (NNARA-Youth) ngayong Miyerkules, bagay na pare-paaarehong nagprotesta sa tarangkahan ng NFA.

"Dapat nang ilabas ang mga bigas ng NFA sa mga warehouse at ipamahagi sa mga magsasaka at mangingisdang nawalan ng kita dahil sa El Niño sa halip na pagkakitaan at ibenta sa mga pribadong trader," ani Cathy Estavillo, secretary general ng AMIHAN at tagapagsalita ng Bantay Bigas.

"Marami na ang dumadaing sa gutom at pagkalugi kaya dapat paspasan ang pamimigay ng ayuda at kompensasyon."

Ngayong araw lang lang nang iulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang lagpas bilyong halagang pinsala ng El Niño sa sektor ng agrikultura.

Sinasabing nasa 29,409 magsasaka't mangingisda na ang nasalanta dahil sa mataas na tiyansa ng below-normal rainfall conditions, bagay na nagdadala ng negatibong epekto sa kabuhayan.

Kasama sa mga napinsala nito ang mahigit 26,731 hektarya ng sakahan: lagpas 2,815 ektarya rito ay wala na aniyang pag-asang maka-recover.

"El Niño is a climate crisis. The response should be immediate and comprehensive, with short-term and long-term relief and rehabilitation efforts. What we have seen so far are the usual government programs already in place before the calamity such as credit assistance, insurance claims and a meager financial assistance," dagdag pa ni Estavillo.

"The government should also prioritize the development of irrigation systems and irrigation in water resources allocation. The management of dams and hydroelectric power plants should be regularized to ensure that it would also benefit agricultural production."

Kinastigo rin ng Amihan ang diumano'y kawalan ng update sa anim na buwang suspensyong ipinataw ng Office of the Ombudsman sa 134 empleyado at opisyales ng NFA, na diumano'y pinararatangan ng pagbebenta ng

Read more on philstar.com