Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

NU aasinta ng twice-to-beat vs UP | Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sisiksik sa top spot ng team standings ang National University kaya nais nilang sakmalin ang University of the Philippines sa kanilang engkuwentro sa UAAP Season 86 men’s basketball tournament na lalaruin sa Mall of Asia Arena ngayong araw.

Tangan ang 10-3 karta, kasalo ng Bulldogs sa se­cond spot ang De La Salle University habang mag-isa sa tuktok ang Fighting Maroons.

Magsisimula ang banggaan ng katawan sa alas-4 ng hapon pagkatapos ng bakbakan sa pagitan ng Adamson University at University of the East sa alas-2.

Panigurado na sa Final Four ang tatlong nabanggit na koponan pero maliban doon, pakay ng Bulldogs na sumagpang ng twice-to-beat incentive na ibibigay sa top two teams pagkatapos ng 14-game double round robin.

Ang may tsansa sa nasabing bonus ay ang NU, UP at DLSU kaya tiyak na mainitan ang laban sa No. 1 at No. 2 seed sa semis.

Samantala, nanalo ang Univerity of Sto. Tomas sa Far Eastern U, 57-53 kahapon na nilaro sa Araneta Coliseum.

Nirehistro ng Tigers ang pangalawang panalo sa 14 na laro.

Read more on philstar.com
DMCA