Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

Vice President Sara ‘di dapat makialam sa usapin na labas sa kanyang tungkulin - lawyer | Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hindi na dapat makialam pa si Vice President Sara Duterte sa mga usa­pin na labas na sa kanyang tungkulin bilang Secretary of Education.

Ito ang sinabi ni dating Congressman na si Atty. Barry Gutierez sa umano’y pakikisawsaw ng Bise Presidente sa mga isyu tulad umano ng pagpayag sa International Criminal Court na mag-imbestiga, pagsasagawa ng peace talks ng gobyerno at communist rebels, pakikialam sa foreign relation sa pamamagitan ng pangu­nguna sa pagbati sa aniber­saryo ng China at mga pagsasagawa ng ribbon cutting sa mga priba­dong kumpanya.

“Oo, pangkaraniwan na para sa mga politiko na manghimasok at ma­ngialam sa iba’t-ibang isyu at aktibidad, but the extent of Vice President Duterte’s involvement in issues outside her primary function raises questions about her focus and priorities as Secretary of Education,” sabi ni Gutierez.

Anya, maraming problema ang kinakaharap ng sektor ng edukasyon ng ating bansa, mula sa kakulangan sa guro, imprastraktura at learning materials hanggang sa effectivity ng curriculum ng pampublikong paaralan.

Base sa ulat ng World Bank nitong 2023, 9 sa 10 mga Pilipinong mag-aaral na may 10 taong gulang ay kulang ang kakayahan sa pagbabasa. Patunay ito na nasa isang matinding education crisis ang ating bansa.

Read more on philstar.com