Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

NU hihirit ng ‘twice-to-beat’ bonus | Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ang ‘twice-to-beat’ in­centive ang nasa isip ng Na­tional University sa pag­harap sa sibak nang Uni­versity of Sto. Tomas sa UAAP Season 86 men’s basketball tournament.

Nakatakdang magsakmalan ang Bulldogs at Growling Tigers ngayong alas-4 ng hapon sa Smart Ara­neta Coliseum.

Magkasalo sa tuktok ng team standings ang NU at University of the Philippines na may parehong  9-2 re­cord.

Huhugot ng lakas ang Bulldogs kina Jake Fi­gueroa, PJ Palacielo at Jolo Manansala para ma­sikwat ang panalo at ma­palapit sa inaasam na bo­nus sa semis.

“Kagaya ng sinasabi ninyo, we’re in the Final Four. Mayroon kaming goal, mayroon din kaming pa­ngarap na gusto naming ma-achieve,” sabi ni NU  coach Jeff Napa.

May isang team pang may pag-asa sa ‘twce-to-beat’ incentive, ito ay ang De la Salle University na na­sa pangatlong puwesto ha­wak ang 8-3 baraha.

Kaya mahalaga ang na­titirang tatlong laro ng Bulldogs.

Samantala, wala nang pag-asa ang Growling Tigers (1-10) na makapasok sa Final Four pero tiyak na itotodo nila ang kanilang lakas para makuha ang pa­nalo at pagandahin na la­mang ang baraha.

Read more on philstar.com