Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

P125-M OVP confidential funds napakinabangan sana ng 8,300 magsasaka — grupo | Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Maiiwasan sanang mawalan ng lupa ang libu-libong magsasaka kung nagamit sa repormang agraryo at agrikultura ang halagang inilaan ng gobyerno para sa P125 milyong confidential funds ni Vice President Sara Duterte.

Ito ang ibinahagi ni Unyon ng mga Manggagawa sa Agrikultura (UMA) spokesperson Ariel "Ka Ayik" Casilao ngayong Miyerkules habang nagigisa si Duterte sa kontrobersyal na pondong pang-surveillance, bagay na inubos daw sa loob lang ng 11 araw.

"8,333 magsasaka sana ang nakinabang sa P125 milyong confidential funds ni Sara Duterte na inubos niya sa 11 araw lamang," wika ni Casilao kanina.

"757 magsasaka sana ang nabigyan ng P15,000 subsidyo sa produksyon kada araw na winaldas niya ang pera ng bayan."

Matagal nang nananawagan ang UMA at Kilusang Magbubukid ng Pilipinas na mabigyan ng suporta ang mga magsasaka upang maging mas produktibo ang mga sakahan habang pinabababa ang retail cost para sa mga food staples gaya ng bigas.

Una nang nabatikos si Duterte matapos paulit-ulit na ayaw idetalye kung paano nagastos ang "confidential" na pondong kanilang nakuha noong 2022. Mas malaki pa nga sana ito noong inisyal sa halagang P250 milyon.

Pasismo vs magsasaka?

Pangamba pa ng UMA, ang pagbibigay ng pondo sa mga pasista kaysa sa mga magsasaka ay maglalagay lang daw lalo sa mga magbubukid sa peligro sa porma ng mga atake laban sa mga peasant associations and agri-workers’ unions.

Lalo rin aniya magiging bulnerable ang mga pesante sa pagkawala ng lupa sa mga corporate plantations gaya ng Dole Philippines (Dolefil).

"Bukod sa amortisasyon, kawalan ng suporta sa produksyon ang isa sa mga susing dahilan bakit napipilitan ang maraming magsasaka na magsuko ng kontrol, kung hindi man pagmamay-ari, sa kanilang

Read more on philstar.com