Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

Pagiging no. 1 rice importer ng 'Pinas sa mundo iniugnay uli sa rice liberalization | Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sa ikatlong sunod na taon, nanguna ang Pilipinas sa mga bansang posibleng mag-angkat ng pinakamaraming bigas sa buong mundo sa kabila ng agrikultural nitong katangian.

Kamakailan lang nang i-project ng United States Department of Agriculture (USDA) ang 4.2 milyong metrikong toneladang total rice imports ng 'Pinas para sa taong 2025, bagay na kinakailangan aniya para matugunan ang papalaking consumption "dulot ng populasyon at turismo."

"This forecast says a lot about how [Republic Act] 11203 has affected rice farmers, consumers and the domestic rice industry in the past five years of its implementation," ani Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) chairperson Danilo Ramos ngayong Martes sa pagdinig ng Senado.

Tumutukoy ang RA 11203 sa Rice Liberalization Law, bagay na nagtatanggal sa restriksyon sa dami ng dayuhang bigas na maaaring iangkat sa Pilipinas kapalit ng tarpika.

Matagal nang tinututulan ng ilang progresibong magsasaka ang pagpapatupad ng naturang batas sa dahilang pinapatay aniya ng pagbaha ng banyagang bigas ang lokal na industriya.

Una nang sinabi sa pagdinig, na pinangunahan ni Senate Committee on Agriculture and Food chairperson Cynthia Villar, na irerebyu ang Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF)  sa ilalim ng Section 13 ng batas.

Kinakailangan kasing magsagawa ng mandatory review rito kada anim na taon para malaman kung ipagpapatuloy, aamyendahan o ibabasura ang Rice Fund.

Paliwanag ng KMP, kinakaailangang pag-isipan nang maigi kung palalakihin patungong P15 bilyon ang RCEF bunga ng "mahinang" paggamit ng Philmech sa pondo.

Lumalabas daw kasi sa datos na nananatili lang sa 14% ang mechanization ng pagtatanim sa bansa, ito matapos bumibili aniya ang Philmech ng "overpried" tractors noong taong 2021.

Idiniin din ng grupo ang mabagal na pamamahagi ng Rice Farmers Financial Assistance (RFFA), bagay na nag-"forfeit" na raw sa papel nitong magbigay ng agarang ayuda sa mga magbubukid ng palay.

"Inaabot ng ilang taon bago maipamahagi sa mga magsasaka ng palay ang P2.135 billion excess tariff revenue collection noong 2019, ang P5.471 billion noong 2020, ang P8.948 billion noong 2021 at ang labis na P12.795 billion noong 2022,"

Read more on philstar.com