Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

PAOCC may death threats | Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inamin ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) na nakakatanggap ng mga pagbabanta sa buhay ang ilan sa kanilang mga tauhan kaugnay ng imbestigasyon sa illegal Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) hubs.

Ayon kay PAOCC Spokesperson Winston John Casio, alam nilang pawang mga pananakot lamang ang mga ito.

Gayunman sinabi ni Casio na doble ingat ang kanilang ginagawa.

“We have to be careful, so to speak, mahirap na po [it’s difficult],”ani Casio.

Nilinaw ni Casio na ang PAOCC ay isang civilian agency at hindi gumagamit ng anumang mga baril.

Magrerekomenda lamang sila sa dapat gawin kung nakitaan nila ng ilegal ang isang lugar o indibiduwal. Nakakasama nila dito ang PNP, ang mga intelligence officers ng PNP.

Ang PAOCC ang sumalakay sa dalawang malaking  POGO hubs sa Bamban, Tarlac at Porac, Pampanga kung saan na-rescue ang nasa daan-daang mga dayuhan kabilang ang Chinese, Malaysians, at Vietnamese.

Ilan sa mga ito ay biktima ng torture at pagdukot.

Lumilitaw sa report ng PAOCC na nasa 300 ang illegal POGOs sa bansa.

Read more on philstar.com