Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

Pinas humingi ng tulong sa Japan government sa pag-imbestiga ng pekeng bomb threats | Pang-Masa

MANILA, Philippines — Para sa malalimang imbestigasyon sa mga pekeng bomb threat na natanggap ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno at ­ilang local government units noong Lunes ay humingi ng tulong ang Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) sa gobyerno ng Japan.

Ayon sa CICC, nakikipag-ugnayan na sila sa Japanese government para maimbestigahang mabuti at matukoy ang mga nasa likod ng sunud-sunod na bomb threat sa loob ng isang araw.

Ang mga natanggap na bomb threat ay ipinadala sa pamamagitan ng email at nagmula sa Japan at nakarehistro sa local domain na ipinadala rin sa iba’t ibang government agencies sa Seoul, South Korea.

Pero sa kabila ng sunud-sunod na natanggap na bomb threat, sinabi ng CICC na walang dapat na ipangamba ang publiko.

“There is no cause for alarm as this sender and email has been tagged as hoax,,” saad ng CICC.

Sinabi ng ahensya na may mga kahalintulad na bomb threats na natanggap din ng ilang ahensya ng gobyerno noong nakalipas na taon.

Kabilang sa mga ahensyang nakatanggap ng bomb threat sa pamamagitan ng email ay ang Department of Education (DepEd) division office sa Bataan, Iba, Zambales at ang Department of Environment and Natural Resources head office sa Quezon City.

Pinapayuhan ng CICC ang mga ahensyang naapektuhan ng bomb threat na magpatupad ng emergency evacuation procedures bilang bahagi ng paghahanda at emergency protocols.

Read more on philstar.com