Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

PLDT sumabit sa liderato | Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kagaya ng inaasahan, madaling dinispatsa ng PLDT Home Fibr ang talsik nang Strong Group Athle­tics, 25-12, 25-21, 25-17, sa 2024 Premier Volleyball League All-Filipino Confe­rence kahapon sa Philsports Arena sa Pasig City.

Hinataw ng High Speed Hitters ang kanilang pang-limang sunod na panalo para sa kanilang 7-1 record at sosyohan sa liderato ang Choco Mucho Flying Titans.

Pumalo si Kiesha Bedonia ng 16 points mula sa 16 attacks para banderahan ang PLDT sa pagpapatibay ng tsansa sa semifinal round.

“For me lang po tine-take advantage ko lang iyong chance na ibinigay ng mga coaches, and siyempre po hindi mawalan ng tiwala sa sarili,” ani  Bedonia.

Malas pa rin ang Athletics na maitala ang una nilang panalo matapos malasap ang ika-walong dikit na kamalasan.

Ang crosscourt hit ni Jules Samonte ang tumapos sa laban sa third set para sa pagwalis ng PLDT sa SGA.

Sa unang laro, inilista ng Nxled ang ikalawang sunod na panalo matapos sibakin ang Farm Fresh, 24-26, 25-20, 25-23, 20-25, 15-11, tampok ang 21 points ni Ivy Lacsina.

“It’s really nice to see that we won in five sets because it was our first time having a five-setter,” sabi ni Japanese head coach Taka Minowa.

Read more on philstar.com