Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

Press Release - Dela Rosa: Opening statement

SENATOR RONALD "BATO" DELA ROSA
COMMITTEE ON PUBLIC ORDER AND DANGEROUS DRUGS
PSR 918 - ALLEGED INVOLVEMENT OF A PNP PERSONNEL ON THE TRAGIC SHOOTOUT IN COTABATO CITY
February 21, 2024

Magandang araw po sa ating lahat.

Bago matapos ang taong 2023, nakatanggap po ang aking opisina ng liham mula kay Mayor Mohammad Ali Dela Cruz Matabalao ng Cotabato City. Inilahad po ni Mayor Matabalao ang mga nakababahalang alegasyon ni Barangay Captain Bimbo Ayunan Pasawiran ng Mother Barangay Kalanganan, Cotabato City, patungkol sa ating mga kapulisan sa kanilang bayan. Pati na rin ang mga pulis na nagimbestiga sa naging shootout noong October 23, 2023 sa kanilang lungsod kung saan tatlong indibidwal ang napatay at dalawa naman ang sugatan dahil sa nangyaring pamamaril. Sa amin pong pagsisyasat ay nakita namin ang isang video kung saan sinabi ni Barangay Captain Bimbo Pasawiran ang kanyang mga takot sa mga kapulisan. Panoorin po natin ang video na ito.

Sa atin pong napanood na video at sa liham sa akin ni Mayor Matabalao, pareho pong nanawagan ng tulong ang dalawang elected officials ng Cotabato City. Nais po natin na mabigyang linaw kung tunay nang may mistulang talamak na kapabayaan at pang-aapi ng kapulisan sa Cotabato City at kung may mga taong nasa mataas na katungkulan ang kasangkot dito. Hindi po natin kayang ipasawalang bahala ang ganitong mga sumbong at hinaing ng ating mga halal na opisyal.

Ang pundasyon ng ating buong kapulisan ay nakatungtong sa kanilang katapatan sa serbisyo sa bayan. We will always dream of an efficient and well-equipped police force with all the advanced crime-fighting weapons technology can offer. But we will always need honest and principled police officers.

Kaya kahit na there are some hesitations and doubts coming from other quarters na itong ating pagdinig ay magagamit sa political aggrandizement ng ibang quarters, nagkakamali po kayo diyan. Hindi po Iyan mangyayari because as the Chairman of this committee, I will make sure that this committee will not be utilized for anybody's political agenda. Kaya natin ito ginagawa dahil nga involved ang kapulisan. As your Chairman of the Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs ay

Read more on legacy.senate.gov.ph