Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

Press Release - Excerpts from the Senate media briefing with Majority Leader Francis 'Tol' Tolentino

PART 1: MISSING FISHERMAN

*Majority Leader Francis Tolentino MLFT [opening statement]:* May isang insidente na nangyari malapit sa Bajo de Masinloc, nasa akin ang coordinates at dahil dito, lumubog ang isang bangka at nawawala ang isang mangingisda na ang pangalan ay Jose Mondeñedo... noong July 7, 2024, sa may West Philippine Sea at ang pangalan ng barko na bumangga ay "Yang Fu."

Eto ang coordinates [shows a piece of paper with coordinates written on it] kung saan nangyari, at kagabi ay nagbigay ng update sa akin si Admiral [Ronnie] Gavan, ang Chief ng Philippine Coast Guard, kung saan sinabi niya at kinumpirma niya, eto ang text niya:

[Reads text message] "Good evening sir, hinahanap po namin since July 7, as soon as reported po sa atin, ng Coast Guard vessel 4003, did first as it has been patrolling Bajo de Masinloc, then today Coast Guard vessel 4407, relieved the ship. I also directed the Coast Guard NCR [and] Central Luzon to initiate investigation for appropriate filing of a case against the responsible vessel." [End]

It would seem, eto ang pangalan ng vessel, baka mali lang ang pronunciation ko, Chinese characters, "Yang Fu," isang malaking barko na binangga ang mangingisda at nawawala si Mr. Jose Mondeñedo, since July 7, yan po ang ating breaking news sa inyo.

Sa ngayon kulang pa, kasi tumakas [ang barko], identified naman [at] malamang ito ay commercial vessel.

Yung pamilya ng nawawala, nakipag ugnayan dun sa nagreport din sa akin, at yung nag report sa akin ay humingi ng tulong para humingi ng assistance sa PCG, at si Admiral Gavan naman ay umaksyon agad.

*Q:* Kung sakali, anong kaso ang pwedeng isampa?

*MLFT:* Kung ano man yung kaso na unang isinampa natin dun sa barko na nakaregister sa Marshall Islands. natatandaan nyo? Yung may namatay na mangingisda na ibinurol sa Subic, nasampahan na yun, pero hindi nag cooperate yun Marshall Islands, so ang nagtrabaho sa atin ang DOJ at Marina, nakaabot pa ng Singapore.

*Q:* Dahil involved ang Chinese vessel... [ino-notify ba ang Chinese embassy?]

*MLFT:* Ang nakikita ko siguro yung IMO [International Maritime Organization], para maklaro kung anong registry nito, although Chinese characters ito minsan yun flag

Read more on legacy.senate.gov.ph