Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

Press Release - Press conference of Senator Risa Hontiveros with Senate media

Q: Ma'am, kagabi na-issue na kayo ng show cause order so what's going to happen? Ano po ang kasunod nito?

Senator Risa Hontiveros (SRH): Ang kasunod po ng show cause order na sabay naming pinirmahan ni SP Zubiri at dated March 13, by the way, ngayong araw, ay pumapatak na yung metro, ika nga, ng 48 hours, a non-extendable period, na sa loob nun, upon receipt, sa loob ng 48 hours na iyon, kailangan mag-show cause, magbigay ng katanggap-tanggap na dahilan si Apollo Quiboloy kung bakit hindi siya dapat arestuhin at sa wakas pa-appearin na dito sa komite, sa Senado.

Pag hindi pa rin siya nagbigay ng maayos na dahilan, eh di paaarestuhin na nga na siya ng Senado para mag-appear dito sa atin.

Q: Pero ma'am, pwede ba niyang gawin yun through a written explanation?

SRH: Yung show cause order ay through any form of communication, kahit written. So, kung katanggap-tanggap, by some miracle, then tatanggapin ng Senado. Pero kung hindi katanggap-tanggap, and all indications so far would show there's no acceptable reason na hindi siya pa-appear-in dito, then isasagawa na yung pag-aresto sa kanya.

Q: Since yung show cause order ay addressed kay Pastor, siya dapat ang sumagot, hindi ang lawyer niya?

SRH: Kahit kung ang abogado ay sumagot, that should be on behalf of him. Or kung siya ang sumagot personally, mas pinaka-okay yun. Pero ang pinaka-pinaka-okay ay kung maayos yung sagot niya. Malamang hindi magiging katanggap-tanggap sa Senado. But as I said, if by some miracle, maging katanggap-tanggap, at least finally, magkakaroon ng maayos siyang komunikasyon sa Senado.

Q: Ma'am ano yung magiging katanggap-tanggap for example sa posibleng isagot niya? What if i-cite niya, security concerns? and what if i-cite nya na di siya naniniwala na ito ung venue for him to appear, he might as well appear na lang sa DOJ or kung saan man.

SRH: Not at all. Jurisprudence is firmly on our side. The Senate rules are firmly on our side. At mismong, speaking of jurisprudence, ang Korte Suprema ay nagsalita na rin tungkol diyan. At higit sa lahat, yung mandato ng Senado na magsimpleng pa-appear sa mamamayan. Sino pa man siya, at napakarami ng matataas na opisyal ng Church at State ay humarap na sa

Read more on legacy.senate.gov.ph