Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

Press Release - Transcript of Kapihan sa Senado with Senator Win Gatchalian

BLENDED LEARNING AMID RISING HEAT INDEX

Q: Sir, regarding dun sa recommendation niyo na to implement blended learning amid extreme heat or extreme weather, hindi po ba, hindi ito yung first time na may klase during summer at matagal nang pinag-uusapan ang El Niño pero bakit po parang hindi po ba napaghandaan, bakit until now parang hindi ideal for dry season ang mga classroom sa ating bansa?

SEN. WIN: Actually, isa sa mga natutunan natin sa pandemic ay yung blended learning or distance learning sa ibang terminology. At ito yung isang natutunan natin at ginawa natin during the pandemic. So ang ibig sabihin, kahit na merong pandemya, may bagyo, may lindol, or ganitong kainit ang panahon, ang pag-aaral ng bata pwede ipagpatuloy sa pamamagitan ng blended learning. At sa ngayon, ginagamit pa rin yung tinatawag nating self-learning modules. Hindi yung pinalitan even after the pandemic kasi, kung matatandaan natin, next year may bago tayong curriculum. So, habang inaantay natin yung bagong curriculum, ginagamit pa rin ngayon yung self-learning modules. So, in other words, kung ang principal magdi-desisyon na i-cancel yung klase, pwede pa rin mag-aral yung bata sa bahay gamit yung self-learning modules niya at pwede pa rin sila gumamit ng, let's say, ng internet. Kung mayroong maganda yung internet connection sa kanila, pwede sila mag-aaral gamit ng internet. O pwede rin yung tinatawag natin asynchronous. Ito yung nire-record ng teacher yung pagtuturo niya at pwede panoorin ng bata sa YouTube o sa Facebook Live. So, pwede rin gawin rin yun. So, ang ibig sabihin, mayroong flexibility ngayon ang mga guro natin, ang principals natin na pumasok sa blended learning. At naging institutionalized ito. Ang Department of Education nag-issue ng department order sa blended learning. Ang may desisyon dyan ay ang principal. Ang panawagan ko sa ating mga punongguro, huwag nilang ipilit na pumasok ang bata sa eskwelahan. Lalo na, nakita ko sa ibang lugar, tulad sa Cagayan, umaabot ng 44, 45 degrees ang heat index. Ibig sabihin, yung nararamdaman ng bata ay 44, 45 degrees. Kung ihambing natin ito sa lagnat, ang lagnat is 37. So, nararamdaman ng bata is 44, 45. So, lampas sa lagnat itong

Read more on legacy.senate.gov.ph
DMCA