Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

Press Release - Transcript of phone patch interview: Senator Risa Hontiveros with Lakay Deo Macalma and Elaine Apit on DZRH

Q: Kami po ang kukumusta sa inyo. Tuloy nga po ba ang hearing ninyo? Kaugnay kay Mayor Alice Guo sa kabila po ng recess ngayon ang Senado, Senator ma'am.

SRH: Opo. Bago pa yung susunod na hearing, isa munang executive session. Dahil meron po tayong marami-raming mga government agencies natin na gustong sabihin sa komite, hindi lang kaya pa sa open hearing, kaya executive session. Siguro lahat na nang nalalaman nila tungkol dito sa POGO, yung paglabag sa ating mga batas at patakaran kaugnay dyan, yung paglabag sa mga karapatan at kagalingan ng mga babae at menor de edad. At yung nakakabahalang bagong anggulo ng posibleng espionage dahil sa mga anggulong iniimbestiga nila ng itong surveillance at sa hacking.

Q: So palalim, palalim na nga palalim, Senator. Dati hindi nababanggit yung issue ng espionage. Ngayon ay nababanggit na po.

SRH: Opo, dati masahol na nga yung mga usapin ng kaugnay sa POGO na prostitusyon,

kaugnay sa POGO na illegal recruitment and detention, yung matagal na iugnay sa POGO na pastillas scam hanggang humantong sa napaka masahol na kaugnay ng POGO na human trafficking, crypto scamming, pati na po ngayon money laundering dahil dalawa pala sa mga kasosyo ng mayora ng Bamban dyan sa Zun Yuan Technologies ay sila rin yung prime suspect sa pinakamaking money laundering case ngayon sa Singapore.

At yung isa pang kasosyo niya na yun lang ang inaamin niyang kilala daw niya at nagsipag-uunayan siya ay pugante ngayon. Pugante din. Nakatakas dun sa pangalawang raid ng PAOCC dyan sa Bamban POGO Hub. So totoong palalim ng palalim ito.

Q: So nitong hearing kasi maraming nagtatanong, ano ba ito ang gusto nating malaman? Yung bang citizenship ni Mayora Alice Guo o yung illegal operation. Kawing-kawing pala ito. Dugtong-dugtong Senator.

SRH: Dugtong-dugtong talaga eh. Siyempre yung entry point talaga namin ay POGO at doon laging bumabalik yung iba't ibang mga kawing-kawing na issue na lumilitaw. Kahit yung citizenship ni Mayor Alice Aguo na dapat simple lang yun, diretso lang masasagot at pwedeng mag-move on na sa ibang mga tanong, eh naging kaduda-duda dahil paiba-iba ang mga sagot niya at hindi masuportahan consistently ng mga dokumento.

Sabi niya nung una,

Read more on legacy.senate.gov.ph