Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

Press Release - Transcript of Senator Risa Hontiveros press conference with Rodaliza and Jessie Baltazar (Jemboy's parents)

SRH: Ngayon po, gusto kong bigyan ng pagkakataong makapagsalita rin sa kanilang naging reaksyon sa desisyon ng korte kahapon sa kaso ng kanilang anak. So, una na po si Ma'am Roda, tapos si Sir Jesse.

RODALIZA: Ang naging reaksyon ko po sa naging desisyon kahapon sa kaso ng anak, dahil ang inaasahan po namin na lalabas sa resulta makukulong po silang lahat. Pero hindi po eh. Isa lang po ang makukulong, pero apat na taon lang po. Yung iba po, lima, makakalaya. Eh, gano'n lang po ba yung buhay ng anak ko? Parang hindi tao yung napatay nila. Sila makakalaya. Apat na taon lang makukulong, pero yung anak ko, habang buhay, hindi na makakabalik. Hindi na makakagpapag-aral. Saka may pangarap po sana yung anak ko na maging seaman. Pwede ba sabihin nagkamali sila? May pinag-aralan sila, dapat alam nila yung ginagawa nila. Dahil taon bago silang maging pulis, hindi ba nila naisip na na meron sila yung may tao na mamamatay sa gagawin nilang operasyon na yun?

Sana po, wala na po ibang, wala na po magulang nakatulad ko na mamatayan ng anak dahil po sa mga polis na inaano po nila yung kapangyarihan nila, inaano ko rin po yung ibang namatayan na katulad kong magulang, sana po, ipaglaban po natin yung karapatan natin. Sana po makuha natin yung hustisya sa pagkamatay ng anak natin, kapatid, at pamilya. Yun lang po yung hinihiling ko sa katulad ko na sana po makuha namin yung hustisya at lalaban po kami para sa pamilya po namin. Yun lang po.

SRH: Salamat po, Roda, Sir Jessie.

JESSIE: Lalaban po kami hanggang sa uli. Kami ng pamilya namin. Hindi po kami susuko sa ganung ano lang. Ang laban na ito para sa mga nangyari sa anak ko. Nawalan kami ng, kaisa-isang isang gabay ko sa paghanap buhay, napakasakit sa amin ng pamilya ko na hindi na namin siya makikita habang buhay. Yun lang po. Salamat po, Jessie.

Q: (INAUDIBLE)

SRH: Salamat. Salamat para doon. Kaya po nananawagan kami na sa kabila nitong, well, action sa mga tauhan nila na naging responsable dito sa pagpapatay kay Jem Boy.

Q: (INAUDIBLE)

SRH: Wala pa po kaming official notice na hiniwalay na sila sa serbisyo. At yun na nga, yung lima sa anim ay, yun ding araw ng kahapon ay lalaya na dahil na-serve na daw nila ang dapat nilang

Read more on legacy.senate.gov.ph