Press Release - Transcript of Senator Risa Hontiveros press interview on the arrest of Alice Guo
SRH: Pwede siyang ibalik dito sa atin. Basta't ang sigurado namin at na-appreciate ko yung sinabi ng NBI, pagkatapos siyang i-process ng BI at nila ng NBI, ay ite-turn over siya sa atin dito sa Senado. Tulad ng naging proseso kay Sheila Guo.
Q: May possibility, ma'am, na haharap siya bukas sa hearing?
SRH: Kapag nalaman namin na makakabalik siya in time, ihaharap namin siya. Kung naman hindi aabot sa oras yung pagpapabalik sa kanya mula sa Indonesia, papunta rito, magsaschedule kami ng susunod na pinakamaagang hearing para sa wakas, maiharap na siya sa ating muli at makasagot siya ng maayos at makatotohanan dapat.
Q: And are you hoping and expecting na magsasalita na siya tungkol sa mga taong involved dun sa illegal operation at sino yung mga tumulong mukha na ba sila naman?
SRH: I am fully expecting magsasalita na siya ng kumpleto at katotohanan kasi patunay itong pag-aresto sa kanya na hindi siya makakatakas talaga. Tumakas man siya nung una, nahuli pa rin siya at ibabalik dito. Kung baga, she has nowhere else to go. At yung mga tumulong sa kanyang makatakas, hindi namin sila tatantanan.
Q: Ma'am, baka nung iigit niya yung kanilang rights, against self-incrimination, hindi niya matandaan, mga gano'ng stament?
SRH: Well, established na yung rights against self-incrimination ay pwede lamang gamitin sa bawat tanong na maitanong sa isang testigo kung hindi niya sasagutin yun. Pero hindi yan blanket na pagpapayag na umiwas siya sa pag-presenta ng sarili niya sa isang hearing at sa pagharap sa mga tanong namin ng mga senador.
Q: Ma'am, kausap niyo na po ba yung BI at NBI, DFA regarding doon sa kay Alice Guo? Kasi yung kay Sheila Guo at saka yung kay Cassie Ong, less than one day, nandito na agad sila sa Pilipinas.
SRH: That's true. Kaya inaalam namin kung anong petsa at oras, anong oras pinakamaagang pwede siyang ibalik dito. Nag-coordinate na rin ang Senate Office of the Sergeant at Arms sa NBI. At yun na nga, mismo si NBI Director Santiago ay nagsabing basta't pagkatapos maiproseso nila ng BI, si Alice Guo, ite-turn over siya sa atin dito dahil Senado ang may standing warrant para kay Alice Guo.
Q: Ma'am, how important was the President's strong public statements