Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

Press Release - Villanueva: JIL Church Worldwide Prayer and Vision Casting 2024

Sige ho, ako naman ngayon mag-p-preach.

Alam niyo po, natutuwa po ako at nagpapasalamat sa Panginoon sapagkat binigyan niya tayo ng pagkakataong ito na magsama-sama, magtipon-tipon, manalangin, hindi lang para sa ating sarili, kung 'di para sa ating minamahal na bayan.

Gusto ko lang pong i-share yung sa John 8:31-32. Ang sabi po doon, "To the Jews who had believed him, Jesus said, 'If you hold my teaching, you are really my disciples. Then you will know the truth, and the truth shall set you free.'"

Napakalinaw po. Ang Panginoong Hesus ang nagsasalita dito. The word of God is the revealer of truth. The word of God is the revealer of truth.

Bakit po ba importanteng lumabas ang katotohanan?

Sapagkat ang katotohanan ang magpapalaya sa atin. Bakit tayo kailangang lumaya? Sapagkat maraming tanikala ng kaaway. Tanikala ng kahirapan. Tanikala ng korapsyon. Tanikala ng mataas na presyo ng bilihin. Tanikala ng kawalan ng trabaho.

Kailangan ng katotohanan. Sapagkat 'pag na-realize natin ang problema, alam din natin ang solusyon. At 'pag nakuha natin ang katotohanan, ang katotohanan ang magpapalaya po sa atin.

Bakit kailangang malaman ang katotohanan? Kayo po may kakainin na bukas, o sa makalawa. Pero may mga iba, arawan ang sweldo, arawan kung meron silang ipapakain. Pag-gising nila sa umaga, ang prayoridad nila, "Papaano ko pakakainin ang pamilya ko? Paano ako kikita para makabili ng gamot sa aking mahal sa buhay?" Ito ho ang prayoridad nila. Ito po ang nais tutukan ng Senado for the past years. At 'yan ang tina-trabaho po natin.

Ngunit nakakasalukasok na marinig, makita sa telebisyon, iyon pong ginagawang pekeng initiative. Pekeng initiative, bakit po? Pinipilit po na sabi, taumbayan ang may gusto nito. Pero ngayon, kitang-kita na po na talagang 'yung mga nasa Kongreso, sa pangunguna ng kanilang Speaker, ay ang nag-pu-push nitong Charter Change na kung saan wala nang eleksyon, wala nang makikialam sa kanila, wala nang makikialam na kung ano ang gusto nila, sila na ang masusunod. 'Yung mga negosyo niyo, napag-tripan, kukunin na lang namin 'yan. Wala nang checks and balances.

Ito po ang dahilan kung bakit passionate ang mga senador. Hindi ho dahil gusto nilang i-abolish

Read more on legacy.senate.gov.ph