Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

Press Release - Transcript of Sen. Pia Cayetano's manifestation

Thank you, Mr. President. Mr President, just a short intervention, with the permission of our colleague, the Majority Floor Leader?

Mr President, I would just like to share my observations with everyone. Ever since the Senate... ever since it came to our attention, and I think we weren't in session yet, we had met, we had discussed, and we had all, most of us at least, expressed alarm. Nagpahayag tayo ng shock, ng kaba, ng takot na yung umiiral na ang pagkakalat ng papirma ng PI eh parang panloloko sa tao. And si Majority Floor Leader Joel Villanueva was one of the most outspoken and vocal. Number one kasi, magaling naman talaga ang communication skills ni Sen. Joel. so ginagamit niya ang presence niya sa social media at masipag ho siya magpa-interview para ipaliwanag yung issue.

Sa akin pong natatandaan, issue based parati ang mga statements niya. Tinatanong niya na, ano ba ang mga laman ng mga PI na pinipirmahan ng mga kababayan natin, mga kababayan natin na kapos na nga sa pera, hindi mapakain ang mga anak nila, tapos kung talagang gusto nila ng pagbabago, okay. Pero ano ba yung pinapipirmahan na yan? So dahil sa mga ipinakita niya, pati tayo, tayong mga internal na discussion natin, kasama ang mga ibang kasamahan natin dito sa Senado, including Sen. Imee, Sen. Loren, marami ho sa atin, nag-usap-usap tayo, yun nga wala pa hong session nun. And nakita natin, nakakuha tayo ng mga kopya nung mga pinapapirmahan na people's initiative. Ni wala ngang nakasaulat po doon na probisyon ng batas kunwari tungkol sa pagandahin ang livelihood, o pamurahin ang gamot, o yung bigas at yung mga magsasaka at mangingisda, mabigyan ng suporta. Walang ganun eh. Tungkol ho yun sa voting jointly and voting separately. Ang effect po ng pinapapirmahan na voting jointly, eh mawawalan ng boses ang Senado, na since time immemorial eh bumoboto separately kahit nga po sa mga paggawa ng bagong kalye.

So yun lang naman yung mga paliwanag ni Sen. Joel. So, nagtataka ako na ang response na nakuha niya eh hindi lang pambabatikos, kasi kayang kaya naman ng balat ni Sen. Joel. Sen. Imee huwag mo munang kausapin si Sen. Joel kasi... gusto ko naman... hindi kasi meron ako sasabihin tungkol sa balat

Read more on legacy.senate.gov.ph
DMCA