Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

Quiambao bumibida sa karera ng MVP | Pang-Masa

MANILA, Philippines — Bida sa karera ng Most Valuable Player is Kevin Quiambao ng La Salle matapos ang umaatikabong 1st round ng UAAP Season 86 men’s basketball tournament.

Nakakolekta ng 84.7 statistical points (SPs) si Quiambao sa pitong laro sa likod ng all-around na rehistrong 16.9 points, 9.6 rebounds, 5.1 assists, 1.1 steals at 0.86 block para sa Green Archers na may 4-3 kartada sa ika-4 na puwesto papasok sa 2nd round.

Sumunod sa kanya ang reigning MVP na si Malick Diouf (78.1) ng University of the Philiippines, pati na ang kakamping si Evan Nelle (74.1), Rey Remogat (73.7) ng University of the East at LJay Gonzales (66.4) ng Far Eastern U.

Nanguna naman sa scoring si Nic Cabañero (20.6) ng University of Santo Tomas, sa reboun­ding si Diouf (14.7), Remogat (7.3) sa assists, JD Cagulangan (1.9) ng UP sa steals at Joseph Obasa (3.3) ng Ateneo sa blocks.

Sa women’s basketball, nakalikom ng 85.0 SPs si Kacey Dela Rosa ng Ateneo matapos humakot ng 18.1 points, 11.9 rebounds, 1.4 assists, 2.1 steals at 2.43 blocks sa first round, kung saan pumang-apat ang Ateneo hawak ang 5-2 kartada.

Nakabuntot sa kanya sina Josee Kaputu (81.1) ng FEU, Kent Pastrana (76.1) ng UST,  Favour  Onoh (74.3) ng UP at  Junize Calago (72.0 ) mula rin sa Ateneo.

Sa women’s division, pambato si Louise Dela Paz ng La Salle sa freethrow line (87.5%) at tres (47%) habang No. 1 sa kabuuang field goals si Karl Pingol (47%) ng NU.

Read more on philstar.com