Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

Adamson nagpalakas ng tsansa sa 2nd round | Pang-Masa

MANILA, Philippines — Tumibay ang kapit ng Adamson University sa No. 4 spot matapos nilang dagitin ang 61-53 panalo kontra sa University of Santo Tomas sa UAAP Season 86 men’s basketball tournament na nilaro sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City kahapon.

Lumakas ang tsansa ng Soaring Falcons na makasampa sa susunod na phase habang nasa hukay na ang isang paa ng Grow­ling Tigers.

Tangan ng Falcons ang 5-5 card habang nalasap ng Tigers ang pang-siyam na talo sa 10 laro.

Kinapitan ng Adamson ang opensa ni Joshua Yerro matapos magtala ng 17 puntos habang bumakas sina Joem Sabandal at Matthew Montebon ng nine at eight points ayon sa pagkakasunod.

Tangan ang dalawang puntos na bentahe 52-50, nagsanib puwersa sina Montebon at Didat Hanapi, nagsalpak sila ng tatlong sunod na tres para ilayo ang iskor, 61-50 may 2:49 minuto na lang sa laro.

Sa ikalawang laro, sinakmal ng National University ang Ateneo, 65-61 upang mapalakas ang kapit nila sa second spot ng team standings.

Sinandalan ng Bulldogs ang bangis ni Jake Figueroa sa opensa upang tulungan ang Bulldogs na ilista ang 8-2 karta at ibaon ang Blue Eagles sa kanilang pangatlong sunod na kabiguan.

Nahirang na best Pla­yer of the Game, tumikada si Figueroa 18 points para ipalasap sa Ateneo ang pang-anim na talo sa 10 laro habang si Rein Jumamoy ang nanguna sa opensa sa tinikadang 21 puntos.

Kumana si Joseph Obasa ng 11 markers para sa Blue Eagles na unang pagkakataon na nakalasap ng tatlong sunod na talo sapul noong Season 76.

Read more on philstar.com