Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

Red Lions winakasan ang suwerte ng Knights | Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Winakasan ng nagde­de­­pensang San Beda Uni­versity ang three-game winning streak ng Letran College matapos ilu­sot ang 66-64 panalo sa NCAA Season 100 men’s basketball tournament ka­ha­pon sa Filoil EcoOil Centre sa San Juan City.

Isinalpak ni rookie guard Bryan Sajonia ang krusyal na three-point shot sa huling 42.6 segundo sa fourth quarter para itaas ang baraha ng Red Lions sa 4-3.

Tumapos si Sajonia na may walong puntos mula sa masamang 3-of-12 field goal shooting.

Humakot si Jomel Pu­no ng 22 points, 10 rebounds at 2 assists.

“We lost our defensive mindset. And that’s our bread and butter, defense. I just told them just play de­fense and the offense will take care of itself,” ani coach Yuri Escueta.

Nadulas ang Knights sa third spot sa ka­nilang 5-3 kartada.

Nauna nang ibinigay ni Jimboy Estrada sa Letran ang 64-63 bentahe sa hu­ling 50.8 segundo kasunod ang triple ni Sajonia para sa 66-64 kalamangan ng San Beda.

Pinamunuan ni Kevin Santos ang Knights sa kan­yang career-high 18 points at 9 rebounds.

Nag-ambag si Estrada ng 16 markers at may 12 points si Deo Cuajao.

Sa unang laro, ti­na­ka­­­san ng College of St. Be­­nilde ang San Sebastian College-Recoletos sa overtime, 96-94.

Iniskor ni Tony Ynot ang lima sa kanyang 23 points sa extra period, habang isinalpak ni Jhomel Anche­ta ang kanyang lay-up sa huling 3.3 segundo para sa 6-1 marka ng Bla­zers.

“I’m not happy at all. This is probably maybe the worst win in my life,” wika ni coach Charles Tiu sa kanyang tropa.

Laglag naman ang Stags sa 2-6 kasama ang ma­saklap na anim na dikit na kamalasan.

Read more on philstar.com
DMCA