Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

UST at FEU may misyon | Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Puntirya ng University of Santo Tomas at Far Eas­tern Uni­versity na masikwat ang korona sa women’s at men’s divisions ng 2024 V-League Collegiate Challenge.

Hahataw ang Game 2 ng best-of-three finals nga­yong araw sa PhilSports Arena sa Pasig City kung saan parehong hawak ng Golden Tigresses at Tamaraws ang 1-0 bentahe sa kani-kanilang serye.

Nakuha ng Golden Tig­resses ang Game 1 nang patumbahin ang Lady Ta­ma­raws, 25-22, 25-18, 25-14.

Magtutuos ang UST at FEU sa alas-5 ng hapon.

Pakay ng UST na walisin ang torneo at masungkit ang kanilang unang titulo sa liga sapul noong 2010.

Babanderahan ang UST nina Detdet Pepito, Jonna Perdido, Ange Po­yos at Regine Jurado.

“Talagang ineensayo namin ‘yang ganyang situation, ‘yang skills na ‘yan. Doon kami malakas, sa gano’ng part ng defense pattern namin,” ani UST head coach Kungfu Reyes.

Sa kabilang banda, ha­ngad ng FEU na makuha ang kanilang kauna-una­hang V-League title sa men’s division.

Read more on philstar.com
DMCA