Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

Solane, may stove set promo ngayong ‘ber’ months! | Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ngayong holiday season, handog ng Solane sa kanilang loyal customers ang sorpresang Solane Ber Months Stove Set Promo na swak sa pagdiriwang ng Noche Buena at Media Noche! 

Sa promo na ito ay mabibili sa murang halaga ang kanilang 1.4kg at 11kg LPG tank na may kasamang accessories at may libre pang stove set! Gaya na lamang ng punong 1.4kg LPG tank na may libreng Single Burner Stove Set (regulator, hose at clamp) ay nagkakahalaga lamang ng P999.

Habang ang punong Solane 11kg LPG tank na may libreng Double Burner Stove Set (regulator, hose at clamp) ay P2,499 lamang.

Maaaring ma-avail ang programang ito sa piling Solane distributor-owned showrooms sa pamamagitan ng Solane LPG app mula November 20 hanggang November 30.

Ang bawat registered customer naman ay puwede lamang bumili ng hanggang isang Solane Stove Set Promo SKU sa buong durasyon ng promo. 

Ang customer naman na bibili nito ay makakakuha ng P80 off sa kanilang susunod na 1.4kg refill at P200 off sa susunod nilang 11kg refill sa pamamagitan ng e-voucher.

Matatanggap naman ng mga customer sa kanilang e-wallet ang mga susunod na loyalty e-vouchers mula sa Solane Stove Set Promo sa December 15 at maaari lamang gamitin hanggang Jan. 30, 2024.

Sa mga nagbayad gamit ang GCash facility, puwede ring ma-avail ang promo sa pamamagitan ng GCredit o GGives facility.

Samantala, ang retailers at outlets ay hindi pinapayagang sumali sa promo. Ang Solane ay may karapatang tanggihan ang sinumang makumpirma na nagta-transact para sa isang retailer o outlet. 

Pinaaalalahanan din ng kumpanya ang lahat na hindi maaaring gamitin ang mga promo nang sabay-sabay.

Para sa iba pang detalye, bisitahin lamang ang www.solane.com.ph o Facebook Page na Solane LPG. 

Maaari ring tumawag sa Solane Hatid Bahay Hotline +63288875555 (Metro Manila) o mag-text sa +639188875555 or +639178977555 o maaaring magpadala ng private message sa kanilang Facebook Messenger.

‘Wag nang magpahuli dahil sa Solane, sigurado ang kalidad at kaligtasan lalo na ngayong darating na Kapaskuhan at Bagong Taon!

Editor's Note: This press release is paid for by Solane.

Read more on philstar.com