Speech by President Ferdinand R. Marcos Jr. at the Gabi ng Parangal at Pasasalamat Para sa mga Bayaning Atletang Pilipino: Welcome and Awarding Ceremonies for the medalists of the Asian Games 2023 | President Bongbong Marcos
Maraming, maraming salamat. Proud to be Pinoy! [cheers]
Wala tayong masabi. Magpasalamat tayo sa mga atleta natin at pinaalala niyo sa lahat ng buong Pilipinas at sa buong mundo kung gaano kagaling ang mga Pilipino kapag nagkaisa at sabay-sabay nagtutulungan, ganito ang nagiging resulta. Kaya naman…
Palagay ko noong sila’y lumalaban, naririnig nila ‘yung boses natin. Dahil hindi ko alam sa inyo, ako nanunuod ako sa telebisyon, napaos ako, sinisigawan ko ‘yung TV, inaantay ko na lang na sumagot, inaantay ko na lang na magbigay ng medalya. Ito na, ito na ang ating mga idol. [cheers]
Alam niyo po kapag mayroon tayong mga nakuha na ganitong mga medalya, na ganitong mga award, karapat-dapat talaga na tayo ay bigyan natin ng pugay ang ating mga atleta. Ngunit, huwag po nating kakalimutan ang nakikita lang po natin nandito, sila’y lumalaban, silang tumatanggap ng medalya kapag nanalo. Ngunit, huwag natin nakakalimutan, maraming-marami ang tumulong diyan, maraming nag-sakripisyo sa bawat isa ng atletang ‘yan. Ang mga coach, ang mga trainer, ang mga nutritionists, ang mga physiotherapist, ang mga driver, at ang mga magulang. Kaya naman, talagang team effort itong lahat. Team Philippines talaga ang nilaban natin.
Kaya to our hardworking coaches, the leaders of the various sports associations, and of course, to our athletes, congratulations at maraming, maraming salamat sa inyong ginawa. [applause]
Alam niyo po, itong napakatagal nating nag-antay, napakatagal tayong nag-antay na makapag-celebrate tayo nang ganito dahil alam niyo naman kung minsan hindi masyadong maganda ang ating resulta. At sinasabi namin noong umalis sila papuntang Hangzhou, ay sinabi – ay sabi natin siguro mayroon naman tayong magagawa kaunti. Hindi namin akalain ganito karami ang medalya na makukuha natin. Hindi namin akalain na ganito ang resulta na ibibigay ng ating bayaning atleta para sa minamahal nilang Pilipinas. We welcome you back from your very successful campaign during the 19th Asian Games.
Let us, again, offer a round of applause. Palakpakan natin ang 393 athletes na lumaban sa Hangzhou sa China. [applause] Siyempre nandiyan ang mga atleta natin na nag-uwi ng 18 na medalya para sa