Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

Sunog sa Pasay: 1 patay | Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang 70-anyos ang nasawi, habang dalawa pa ang nasugatan sa sunog na naganap sa Brgy. 96, sa Pasay City, Biyernes ng hapon.

Kinilala ang nasawi na si Ruben Yabut, ng naturang barangay, habang isang fire volunteer at isang residente naman ang umano’y nasugatan.

Sa inisyal na ulat ng Bureau of Fire Protection-Pasay, sumiklab ang sunog pasado alas-2:00 ng hapon at idineklarang fire-out alas-4:31 ng hapon, na umakyat lamang sa ikalawang alarma, sa isang compound na pag-aari umano ni Chairman Marcelo Tayco, ng Brgy. 96.

Nagsimula ang apoy sa ikalawang palapag kung saan na-trap umano ang nasawing senior citizen, na sinasabing dati nang na-stroke kaya nahirapang makalabas ng bahay.

Nadamay din ang  barangay hall  na nasa ibabang bahagi nang paupahang bahay.

Naapektuhan din ang katabing establisimento na isang mini grocery at food bar sa itaas nito.

Read more on philstar.com