Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

Talumpati ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pamamahagi ng bigas at iba pang mga tulong mula sa pamahalaan para sa Antique | President Bongbong Marcos

Maraming salamat sa ating Kalihim ng DSWD, Secretary Rex Gatchalian sa iyong pagpakilala. [Please take your seat.]

Ang Kinatawan ng isang distrito ng Antique, Antonio Agapito Legarda [applause]; at ang Gobernador ng Antique, Governor Rhodora Cadiao [applause], na pinaabot sa atin ang napakagandang balita Gov na ‘yung nakikita — iyong pinakita mo sa akin noong lumilipad tayo sa helicopter. Tinitingnan namin ‘yung damage noong Paeng at flood damage. Mayroon naipakita si Gov na NHA project na nasa gitna na hindi na tinapos. At siguro malaking… Siguro dahil doon ay talagang inutusan ko sila na ayusin nila na magamit naman at sayang naman ginastusan na ng gobyerno ‘yun at ‘yung tao nanganailangan ng bahay.

So, to know that we have 770 families who will spend this Christmas in their new home is one of the best news that I have heard in a long time. [applause]

Ang Aklalde ng bayan ng San Jose de Buenavista Elmer Untaran [applause]; ang Alkalde ng bayan ng Hamtic Julius Ronald Pacificador [applause]; at ang ating mga mayor ng probinsya ng Antique na nandito; mga benepisyaryo, ang pinakamahalaga na nandito ngayong umaga, ang ating benepisyaryo na galing sa listahan ng 4Ps na ating bibigyan ng — itong mga bigas na nahuli po natin.

At sabi namin, imbes na pagkakitaan na lang ng mga walang awang mga sindikato na pinapahirap ang taong-bayan. Ay sabi ko, kunin na natin ‘yan at ibigay natin sa tao. [applause]

Mga kagalang-galang na panauhin, magandang araw po sa inyong lahat. [applause]

Natatandaan ko pa po sa huling pagbisita noong Nobyembre ng nakaraang taon—pagkatapos ng Bagyong Paeng, ang bisita ko rito sa inyo.

Binisita namin kayo noon, upang malaman kung gaano kalawak ang pinsala, at maghatid ng iba’t-ibang ayuda mula sa pamahalaan.

Masaya akong muling makadalaw dito sa Antique ngayon dahil hindi bagyo o anumang pananalanta [ang] dahilan.

Kasama ko rin ang DSWD, ang Department of Agriculture, ang BFAR, ang Philippine Crop Insurance Corporation, ang DOLE, TESDA, DOH, at CHED upang magpaabot ng iba’t-ibang tulong mula sa kanilang mga ahensya.

Ang pangunahing layunin po ng ating biyahe ngayon ay mamahagi ng libreng bigas sa mga benepisyaryo ng 4Ps,[applause] na naging

Read more on pbbm.com.ph