Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

Talumpati ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Pamamahagi ng Bigas at iba pang mga tulong mula sa gobyerno sa Capiz | President Bongbong Marcos

Maraming salamat kay Secretary Rex Gatchalian sa iyong pagpakilala.

Atin batiin ang ating ama ng probinsya ng Capiz, ang ating matagal ng kaibigan. Ngayon ay naninibago ako tawagin kang Governor, Governor Fred Castro.

Magkasama po kami sa Kongreso. Ako’y pasok, labas. Siya naman ay tumagal sa Kongreso. [Gov, Fred na-miss ko na ‘yung ganyang klaseng salita.] 

Matagal ko nang hindi narinig ’yung mga oratory ng inyong governor. Kaya naman sumikat siya sa House at ngayon sumisikat siya dito sa Capiz dahil nakita naman ninyo kung makapagsalita ay talagang nakaka-inspire. Tayong lahat ay na-inspire sa kanyang talumpati. [applause]; ang Alkalde ng Lungsod ng Roxas Ronnie Dadivas, maraming salamat sa inyong magandang pagkasalubong [applause]; ang ating matagal na kaibigan, anak ng Capiz, nandito rin po si — ang dating senador and secretary, lahat na yata nahawakan mo. [applause] Mar Roxas nandito po.

Baka hindi niyo po alam, alam niyo po, kami ni Mar matagal na po kaming magkaibigan at kahit na hindi kami magkapanig kung minsan sa politika, matagal kaming nagsama sa New York at sana naman habang nandito siya, hindi na niya kinekuwento ‘yung mga nangyari sa amin noong nasa New York kami dahil bachelor pa po kami at marami kaming mga adventure nang magkasama.

Kaya po nakakatuwa. Matagal ko na po siyang hindi nakausap at mabuti naman nagkaroon ng pagkakataon. Nag-usap kami dito pa sa Capiz.

Ang mga benepisyaryo natin, ang pinakamahalaga na grupo na nandito ngayong araw na ito, mga benepisyaryo [applause] ng mga 4Ps na bibigyan natin, at ibibigay natin itong mga ating nakuhang bigas; mga kasama na lingkod bayan; mga minamahal kong kababayan, magandang umaga po sa inyong lahat. [applause] 

Noong nakaraang buwan lang po ay naghatid ng tulong ang DSWD at DTI sa ating mga rice retailer dito sa inyong probinsya upang matulungan sila sa kanilang mga negosyo.

Dumayo po ulit kami dito ngayon upang personal na maghatid ng libreng bigas sa mga minamahal nating Capiznon upang makabawas sa inyong alalahahin sa pagkain.

Muli na naman po kaming nagsasanib-puwersa—kasama po ang iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan tulad ng DA, DSWD, DOLE, DOH, TESDA, CHED, Philippine Coconut Authority,

Read more on pbbm.com.ph