TNT magiging defensive team sa Commissioner’s Cup | Pilipino Star Ngayon
MANILA, Philippines — Dahil sa inaasahang hindi paglalaro nina top scorers Mikey Williams at RR Pogoy ay kailangang tibayan ng TNT Tropang Giga ang kanilang depensa sa darating na PBA Season 48 Commissioner’s Cup.
May health problem si Pogoy habang hindi pa magkasundo sa kontrata si Williams at ang Tropang Giga management.
“We have to be a better defensive team than last year because right now, we can’t outscore teams without our two leading scorers, Mikey and Roger,” wika ni coach Jojo Lastimosa.
Ang tanging laro ng TNT at Magnolia ang magbubukas sa PBA Commissioner’s Cup sa Nobyembre 5 sa Smart Araneta Coliseum.
Muling tinapik ng Tropang Giga si import Rondae Hollis-Jefferson, ang naturalized player ng Jordan, na nagposte ng average na 30 points sa kanilang pagkopo sa korona ng nakaraang PBA Governors’ Cup.
Ipaparada naman ng Hotshots ni mentor Chito Victolero si dating NBA player Tyler Bey katuwang sina Paul Lee, Calvin Abueva, Jio Jalalon, Mark Barroca, Rome dela Rosa, Aris Dionisio, Jerrick Ahanmisi at Abu Tratter.