Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

Tulong ng US kailangan na vs Chinese harassment sa West Philippine Sea | Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Panahon na para hilingin ng pamahalaan ang tulong ng Estados Unidos upang mapigilan ang patuloy na pangha-harass ng China laban sa mga barko ng Pilipinas kaugnay ng pinagtatalunang teritoryo sa West Philippine Sea (WPS).

Ito ang inihayag ni Cagayan de Oro City 2nd District Rep. Rufus Rodriguez kasabay ng paghikayat kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para magpasaklolo sa US counterpart nito sa ilalim ng Mutual Defense Treaty (MDT).

Una rito, sinabi ni Pangulong Marcos na kailangang baguhin na ang sistema sa pagtugon sa karahasan ng mga Chinese sa WPS na nasangkot sa maraming insidente ng pambobomba ng ‘water cannon’ sa Philippine Coast Guard (PCG) maging sa ‘laser attack’.

Maging ang resupply mission sa mga bangkang de motor na inarkila ng AFP para maghatid sa mga pa­ngangailangan ng mga sundalong nakabase sa nabalahurang BRP Sierre Madre ay hindi rin nakaligtas sa “water cannon’ ng Chinese.

“Mahaba ang pasensiya nating mga Pilipino, pero may hangganan ang ating pasensiya,” ayon kay Rodriguez na sinabing dapat ikonsi­dera ni Pangulong Marcos ang pagkonsulta nito sa mga “defense treaty ally” mula sa US upang pag-usapan ang tumitinding harassment ng China sa WPS.

Aniya, maaring gamitin ng Pangulo ang 1951 Mutual Defense Treaty sa pagitan ng Pilipinas at US.

Kaugnay nito, muli ring umapela si Rodriguez sa Department of National Defense at AFP na huwag gamitin ang mga bangka ng mga sibilyan para magsagawa ng resupply mission sa tropa ng mga sundalo na nakabase sa Ayungin Shoal.

“These are military missions that should be undertaken by military personnel. Let us stop exposing civilians to danger. Let us not try to avoid an armed attack on a public vessels or aircraft by using­ civi­lians,” sabi pa ni Rodriguez.

Read more on philstar.com