Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

EDITORYAL - Sasakyang ‘7’ at ‘8’ pasaway sa Busway | Pilipino Star Ngayon

Malinaw ang sinabi ni Metro Manila Development­ Authority (MMDA) Chairman Armando Artes noong Nobyembre 15, 2023 na ang mga exempted at maaaring gumamit ng EDSA Busway ay ang convoys ng Presidente, Bise Presidente, Speaker of the House, Senate President at Chief Justice ng Korte Suprema. Sila lamang ang maaaring dumaan sa ruta ng bus sa EDSA at wala nang iba pa.

Ayon pa kay Artes ang sinumang lalabag o dadaan sa Busway ay pagmumultahin ng P5,000 sa unang offense; P10,000 at isang buwan na suspension ng driver’s license sa second offense; P20,000 at suspen­sion ng driver’s license sa loob ng isang taon sa third offense, at P30,000 at pagbawi ng driver’s license sa mga susunod na offenses. Ipinatupad ang kautusan noong Nobyembre 20, 2023. Maraming MMDA enforcers ang nagpatupad ng kautusan at bantay sarado ang Busway sa mga motoristang lalabag.

Pero sa kabila ng mga babala at panawagan ng MMDA, marami pa rin ang mga pasaway na motorista na dumadaan sa Busway. Balewala sa kanila ang mga paalala na hindi dapat dumaan sa ruta ng bus sa EDSA.

Sa report ng MMDA, ang mga karaniwang lumalabag ay mga sasakyang may plakang nagtataglay ng numero “7” at “8”. Ang numero “7” ay para sa mga senador samantalang ang “8” ay para sa mga congressmen.

Isa sa mga nahuli ng enforcers ay ang sasakyan ni Sen. Bong Revilla noong nakaraang Nobyembre. Nang parahin, sinabi ng driver na ang sakay niya ay si Revilla. Ganunman, tinanggi ni Revilla na sa kanya ang sasakyan. Nagkaroon pa ng argumento sa pagitan ni Revilla at pinuno ng MMDA na si Bong Nebrija. Maka­raan iyon, humingi ng paumanhin si Nebrija kay Revilla.

Noong Huwebes, 30 motorista ang nahuling duma­daan sa Busway at karamihan sa mga sasakyan ay may plakang “7” at “8”. Bukod sa mga sasakyang ito, may mga dumaan ding sasakyan na ang lulan ay basketball player, mga miyembro ng Philippine National Police at mga sasakyang ng Department of National Defense at Philippine Marine Corps.

Grabe ang nangyayaring ito na kung sino ang mga mambabatas ay sila pa ang lumalabag sa batas. Kung sino ang pinasusuweldo mula sa buwis ng mamamayan ay sila pa ang gustong maging maalwan sa pagbibiyahe at ayaw danasin ang trapik.

Noong nakaraang taon,

Read more on philstar.com