Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

V-day na sa NU? | Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nais nina National Uni­versity stars, Mhicaela Belen at Alyssa Jae Solomon na tapusin ang Univer­sity of Santo Tomas Golden Tigresses sa Game 2 ng kanilang best-of-three, UAAP Season 86 women’s volleyball tournament  finals na lalaruin sa Mall of Asia Arena sa Pasay City nga­yong araw.

Naka-isa agad ang Lady Bulldogs sa Game 1 matapos nilang harurutin sa tatlong sets ang kulang sa armas na Golden Tigresses kaya naman pagkakataon na nilang tapusin ang serye pagsimula ng kanilang bakbakan sa alas-4 ng hapon.

Tiyak na sasaklolo sa opensa sina Evangeline Alinsug at Sheena Angela Toring para masungkit ang matagal ng inaasam na korona ng Lady Bulldogs.

Bumida sa opensa nang talunin ng NU ang UST ay si Solomon na nagtala ng 17 points  habang 13 ang kinana ni Belen.

Nag-ambag din sina Alinsug at Toring ng 12 at 10 markers, ayon sa pag­ka­kasunod.

Para kay Belen, mala­king bagay din ang suporta ng kanilang fans lalo silang ginaganahan kapag naririnig nila ang sigaw sa loob ng venue.

“When we saw how they cheered for us, that helped us a lot. It boosted our energy thinking there are people who believe in his and support us,” ani Belen.

Inaasahan ni Belen, hinirang na unang UAAP wo­men’s volleyball rookie MVP noong Season 84, na magbalik ulit ang kanilang mga tagahanga sa Game 2.

“I hope in Game 2 we see them again. I hope this time, MOA Arena looks like the NU Gym,” ani Belen.

Samantala, tiyak itotodo ng Golden Tigresses ang kanilang lakas upang makahirit ng do-or-die Game 3.

Read more on philstar.com