Tizon, Marsh kakaliskisan ng Adamson sa GVIL | Pilipino Star Ngayon
MANILA, Philippines — Markado ang pambato ng National University-Nazareth School na sina Carlyn Tizon at Celine Marsh pagharap nila sa Adamson University sa 2024 Shakey’s Girls Volleyball Invitational League (GVIL) ngayong araw sa Adamson University gym.
Magsisimula ang paluan ng bola sa pagitan ng Junior Nady Altas at Lady Baby Falcons sa alas-4 ng hapon sa main court ng Adamson U Gym.
Pakay nina Tizon at Marsh na bawian ang Lady Baby Falcons dahil sila ang umagaw sa kanilang korona sa UAAP.
Malinis sa dalawang panalo ang Adamson at nangunguna sila sa Pool D matapos silang akbayan ni UAAP MVP skipper Shaina Nitura sa premier grassroots volleyball tournament na suportado ng Shakey’s Pizza Parlor, Eurotel, Victory Liner, Smart Sports, Mikasa, Team Rebel Sports, Data Project, Genius Sports at Robinsons Malls.
Samantala, nais din ng Bacolod Tay Tung siguruhin ang pag-usad sa susunod na phase, nasa tuktok sila ng Pool C at makakaharap nila ang University of Perpetual Help sa Court 2 sa alas-4 rin ng hapon.