Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

Ayuda sa uuwing OFWs mula Israel, ihanda na – Pangulong Marcos | Pang-Masa

MANILA, Philippines — Pinaghahanda na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga kaukulang ahensya ng gobyerno ang ayuda para sa mga Pilipinong magsisiuwian matapos na maipit sa kaguluhan sa Israel at Gaza.

Sa pinakahuling datos, mayroong 92 na Filipino mula sa Gaza Strip ang nais nang umuwi sa Pilipinas.

Sinabi ni Foreign Affairs Undersecretary Eduardo de Vega na nais masiguro ni Pangulong Marcos na may “livelihood assistance” ang mga distressed Filipinos na magsisiuwian mula Israel.

Maliban dito, ipinag-utos din ng Pangulo sa mga kaukulang ahensiya ng gobyerno na maghanda sa “reintegration” ng mga Filipino sa sandaling makauwi sila sa bansa. Kabilang aniya sa mga dapat paghandaan ang financial assistance para sa mga uuwing OFWs. Maaari umanong kunin ang kakailanganing pondo sa Department of Migrant Workers (DMW) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

Magbibigay rin ng tulong sa mga uuwing Pinoy ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) mula sa programang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) at ang “education assistance” para naman sa mga anak ng mga OFWs.

Sinabi pa ni De Vega, magpapadala ang Embahada ng Pilipinas sa Cairo ng isang team sa border ng Gaza Strip para ayusin ang pagpapauwi sa mga Pilipino at gagawin umano ito sa oras na mabuksan na ang “humanitarian corridors” doon.

“We are providing them funding to be able to rent transportation to bring them from the border to Cairo and to fly them to the Philippines, itong 92,” pahayag ni De Vega.

Ipinag-utos din ng Pa­ngulo sa Department of Fo­reign Affairs (DFA) na ha­napin ang tatlo pang Pinoy na nawawala at tulungang makalabas ng Gaza.

Read more on philstar.com