Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

Basketball community nagulat sa balita kay JB | Pang-Masa

MANILA, Philippines — Nagulantang ang basketball community kaha­pon ng umaga matapos bumungad ang balitang nagpositibo sa doping test si naturalized player Justin Brownlee.

Ilang araw matapos pormal na magsara ang 19th Asian Games sa Hangzhou, China ay inila­bas ang ulat na positibo si Brownlee sa Carboxy-THC base sa isi­­nagawang pagsusuri ng Lausanne-based International Testing Agency (ITA) sa Sample A urine ni Brownlee.

Ang Carboxy-THC ay mahigpit na ipinagbabawal dahil natutulad ito sa paggamit ng ‘cannabis.’

“The sample was collected by the ITA at the Asian Games Hangzhou 2022 during an in-competition anti-doping control performed on 7 October 2023,” ayon sa pahayag ng ITA.

Ipinaalam na kay Brownlee ang resulta ng pagsusuri kung saan maaring humiling ang Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na suriin din ang Sample B urine.

Malaki ang naging papel ni Brownlee sa Gilas Pi­lipinas na masungkit ang ginto sa Asian Games sa unang pagkakataon matapos ang 61 taon.

Pinataob ng Gilas Pilipinas ang Jordan, 70-60, sa championship game kung saan nagtala si Brownlee ng double-double na 20 points at 10 rebounds.

Hindi lamang si Brownlee ang nagpositibo sa doping dahil kasama rin si Sami Bzai ng Jordan na nakitaan ng steroid sa Sample A urine.

Read more on philstar.com