Baryang nakolekta ng BSP sa coin deposit machines, higit P115 milyon na! | Pilipino Star Ngayon
MANILA, Philippines — Umaabot na sa mahigit P115 milyon ang halaga ng mga barya na nakolekta ng kanilang mga coin deposit machines (CoDMs).
Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), hanggang noong Oktubre 6, aabot sa lagpas 44 milyong mga barya ang naideposito sa mga CoDMs.
Pumalo naman sa 42,386 ang dami ng mga transaksyong naisagawa sa mga makina.
Sa kasalukuyan, nasa 25 ang CoDMs ng BSP.
Ang mga ito ay matatagpuan sa iba’t ibang lugar sa Greater Manila Area, kabilang na ang mga malls.
Nauna nang sinabi ng BSP na target nilang paramihin pa ang mga makina, dahil sa pagtangkilik dito ng ating mga kababayan.
Ang mga baryang maidedeposito sa mga CoDMs ay make-credit sa e-wallets gaya ng GCash at Maya, o di kaya ay maaaring maging shopping vouchers.