Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

BSKE, aarangkada na ngayong araw | Pang-Masa

MANILA, Philippines — Nakatakda nang umarangkada ngayong araw, Lunes, Oktubre 30, ang 2023 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa bansa.

Kaugnay nito, inaasahang magdadagsaan ang mga botante sa mga paa­ralan at mga malls upang iboto ang mga napupusuan nilang kandidato.

Magsisimula ang botohan ganap na alas-7:00 ng umaga at magtatapos hanggang alas-3:00 ng hapon lamang.

Muli rin namang nagpaalala ang Commission on Elections (Comelec) sa mga botante at mga kandidato na tumalima sa mga panuntunang itinatakda ng poll body para sa eleksiyon.

Samantala, simula nitong Linggo ay nag-umpisa na rin ang pag-iral ng nationwide liquor ban sa bansa kaugnay pa rin ng naturang eleksiyon.

Magtatagal ang implementasyon nito hanggang sa mismong araw ng eleksiyon ngayong Lunes.

Mahigpit na ring ipinagbabawal ng Comelec ang pangangampanya ng mga kandidato simula nitong Linggo at ang sinu­mang lalabag dito ay bina­laang mahaharap sa diskuwalipikasyon.

Nabatid na 42,001 na punong barangay at SK chairpersons ang nakatakdang iluklok sa puwesto ng mga botante para sa halalan.

Nasa kabuuang 294,007 naman ang puwestong pinag­lalabanan para sa Sangguniang Barangay at 295,007 ang Sangguniang Kabataan posts.

Read more on philstar.com