Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

Choco, Chery lalapit sa semis | Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pakay ng Choco Mucho at Chery Tiggo na makuha ang krusyal na panalo upang makalapit sa inaasam na Final Four spots sa pagpapatuloy ng Premier Volleyball League (PVL) Second All-Filipino Conference sa Philsports Arena sa Pasig City.

Sasagupain ng Flying Titans ang F2 Logistics sa alas-6 ng gabi habang lalarga ang Crossovers kontra sa Cignal sa alas-4 ng hapon.

Magtutuos din ang Petro Gazz at Farm Fresh sa unang laro sa alas-2.

Magkasalo sa No. 2 spot ang Crossovers at F­lying Titans tangan ang parehong 6-1 marka habang nangunguna ang defending champion Creamline na may malinis na 7-0 baraha.

Nakasakay ang Flying Titans sa six-game winning streak kaya’t mataas ang moral nito na harapin ang Cargo Movers.

Galing ang Flying Titans sa 18-25, 25-23, 25-15, 25-16 panalo kontra sa Gazz Angels noong Huwebes.

“Every game is important, especially now at the latter part of the elimination round. It’s important for us to get some confidence, that’s why I’m thankful for this win [over Petro Gazz],” ani Flying Titans head coach Dante Alinsunurin.

Aasahan ni Alinsunurin si top hitter Sisi Rondina kasama sina Isa Molde, Kat Tolentino, Maddie Madayag, Bea De Leon at playmaker Deanna Wong.

Sa kabilang banda, nag­hahabol ang F2 sa panalo matapos lumasap ng sunud sunod na talo.

Kasama na rito ang 23-25, 25-22, 24-26, 24-26 pagyuko sa Cignal para mahulog sa 4-4 karta.

Read more on philstar.com